Tuesday, August 19, 2008

Graduation Day!


Anong ginagawa ng estudyante sa eskwelahan? Pupunta ng klase. Tapos? Pupunta sa susunod na klase. Tapos? Magtatanghalian. Tapos? Pupunta ulit sa isa pang klase. Tapos? Pupunta sa huling klase. Tapos? Tapos, araw ng pagtatapos.


Graduation. Araw ng pagtatapos. Sino ba ang nagtatapos? Kayo. Ano ba ang natatapos? Kayo rin. Tapos ang maliligayang araw n’yo. Dapat araw ng pagsasaya ang araw na ito, at sigurado akong kahit anong mangyari, kahit ano pa ang sabihin ko ngayon, walang magpapalungkot sa inyo. Kaya naman naghanda ako ng listahan: ang sampung dahilan kung bakit bad trip magtapos. Pagkatapos kong magsalita, tingnan lang natin kung di kayo mag-unahang mag-enrol ulit.
Unang dahilan, pag tapos ka na, wala nang baon. Pakapalan na ng mukha kung manghihingi ka pa ng pera sa mga magulang mo. Dati-rati, nakakakupit ka pa, ’yung sobra sa hiningi mong tuition fee, halimbawa. Pag tapos ka na, ikaw na ang magbabayad para sa koryente, sa tubig, sa renta. Kung may mas bata kang kapatid, ikaw naman ang magbabayad ng tuition fee n’ya. Pag nagkataon, ikaw na ang hihingan ng baon ngayon.


Ikalawang dahilan, pag tapos ka na, wala nang kaibigan. O, sobra naman yata ’yon. Pero aminin na natin, kokonti ang panahong makakapagsama kayo ng barkada mo. Alangan namang sa iisang kompanya kayo lahat pumasok? Liliit na rin ang oportunidad na makakilala ka ng bagong kaibigan. Sa kolehiyo, bawat sem may bago kang nakikilala kasi may bago kang kaklase. Mas mabagal ang prosesong ito sa permanenteng trabaho. Isipin n’yo na lang, pag estudyante pinakanakakaasar ‘yung walang kuwentang group mate. Ang trabaho, para s’yang isang napakahabang group work.


Ikatlong dahilan kung bakit bad trip magtapos, wala nang panahong magbasa. Kayong mga taga-College of Arts and Letters, may bentahe kayo. Masarap mag-aral ng arte at letra. Isipin n’yo na lang ‘yung mga taga-Eng’g, sa tingin n’yo ba nag-eenjoy sila sa pag-aaral? May kakaibang sarap sa pagbasa ng tula , sa panunuri ng mga larawan, sa pagkatuto ng kung ano ang “Good Morning” sa Aleman, sa pagtatanghal sa teatro, sa pagtatalumpati. Pag tapos ka na, pag nagtatrabaho ka na, pagod na lagi ang utak mo sa pag-uwi. Telebisyon na lang ang pahinga.
Ikaapat na dahilan, wala nang bakasyon pag tag-init. At mas maikling bakasyon sa Pasko. Kawawa naman kayo.


Ikalimang dahilan, wala nang libreng gimik. Dito sa UP, maglakad-lakad ka lang may makikita ka nang kasiyahan. Pag fair, halimbawa, p’wede kang umupo lang sa benches ng Sunken Garden. Rinig mo na ang musika. E pag tapos ka na, saan ka pupunta? Alangan namang mag-camp out ka sa labas ng Araneta Center?


Ikaanim na dahilan, hindi na p’wedeng umabsent ng anim na beses. Wala nang academic freedom kasi wala ka na sa akademya. Pag tapos ka na, pag nagtatrabaho ka na, umabsent ka ng higit sa tatlong beses, tingnan lang natin kung saan ka pupulutin.


Konektado ito sa ikapitong dahilan, pag tapos ka na, hindi ka na p’wedeng mag-drop. Pag mag-aaral ka pa, at power-tripper ‘yung guro, p’wede kang mag-drop at tapos ang problema. Pag masyadong mabigat ang academic load, p’wede kang mag-drop. Kunin mo na lang sa susunod na semestre ‘yung sabjek. Hindi ‘yan p’wede sa tunay na mundo. Hindi ka p’wedeng mag-drop ng trabaho. Pagkatapos, aaplayan mo na lang paglipas ng ilang buwan.


Ikawalong dahilan kung bakit bad trip magtapos. Pag tapos ka na, hindi ka na p’wedeng magtext sa klase. Pag nababato ka sa trabaho, walang ibang p’wedeng gawin kundi tumuloy sa pagkabato, sa pagtatrabaho. Sa klase magtetext ka para magset ng oras kung kailan kayo magkikita ng mga kaibigan mo. E pag tapos ka na, di ba nga wala nang kaibigan.


Ikasiyam na dahilan, hindi na p’wedeng mangopya. Hindi na p’wedeng ipaxerox ang notebook ng katabi mo. Hindi na p’wedeng sumulyap-sulyap sa papel ng kaibigan mo pag exam. Kasi, wala nang exam. O, araw-araw exam.


Pag tapos ka na, tapos ka na. Ito ang ikasampung dahilan kung bakit bad trip magtapos: hindi na p’wedeng bumalik. Hindi ka na p’wedeng bumalik. Tapos na ang mga araw ng baon, kaibigan, pagbabasa, bakasyon, libreng gimik, pag-aabsent, pagda-drop, pagtetext, pangongopya. Tapos ka na e. Tapos na. Oras na para magsimula.

Friday, August 15, 2008

Our Master-piece!


ANG BUHAY SA TUNDO
By: Group # 1
Students Batch 1


“Kabataan, Pag-asa ng Bayan!” katagang inilagak ng yumao nating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal, maraming taon na ang nakalipas. Subalit marami ng tanong ang Puno sa Butil na katagang ito. Isa na dito ang… “Kabataan, Pag-asa nga ba Bayan?” Iyan ang kadalasang bukam-bibig ng mga nakatatanda sa panahon ngayon, na siya naming palagian kong nadirinig. Sapagkat kahit na anong alumpihit ang ating gawin. Hindi talaga natin maiwasan ang mapaisip ng mga negatibong katangian at gawi ng mga kabataan sa Tundo ngayon. Gayunman, marami ng isyu ang mabilis na limalaki at lumalaganap na sadyang di kayang pigilan ng mga kinauukulan. Pang-aabuso, pang-aalipin, Pangingikil, Pangungurakot, Pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot, Paglabag sa Karapatang Pantao at marami pang iba. Ito’y ilan lamang sa mukha ng mga mamamayan at mga makapangyarihan dito sa Tundo. Labis-labis na ang mga Kabataang nalululong sa napakasamang bisyo. Tulad ng Paninigarilyo, Pagdodroga at Pagsinghot ng rugby sa kataasan ng araw sa tanghali dito sa Delpan at ibang dako sa Pier. Ang minsa’y lugar na aking nakadaupang-palad sa Tundo, Maynila. Hindi na mabilang sa daliri ng aking mga kamay at paa ang damdaming labis na bumabagabag sa aking kalooban na kay-hirap iwaksi sa mga taga-pakinig at kinauukulan. Upang masagip at masaklolohan ang mga kabataang nalalayo at naliligaw ng mga landas na dapat tahakin ng kani-kanilang buhay. Datapwat, tayo’y mistulang mga tau-tauhan sa mga pelikula na “bulag, pipi at bingi” sa katotohanang nagaganap sa mundong ating ginagalawan tulad ng ibang mga naluklok sa kanilang puwesto na sadyang makapangyarihan.

Tunay nga bang nakakaapekto ang kapaligiran na ginagalawan at kinagisang buhay ng mga kabataan dito sa Tundo? Alam ko, iisa lang ang tugon nating lahat sa katanungang nabanggit, isang mataginting na “Oo”… ang marapat na sagot sa katanungang ito. Halimbawa, Ang mga magulang na pabaya at walang pakialam sa mga nangyayari sa kanilang anak. Magulang na mismo ang nagtuturo at nagpapakita nang mga masamang gawi dito.

Ang Pamilya ay isa sa maliit na yunit na ating lipunan. Subalit may tawag sa mga antas nito. Para sa aming kapasidad Tatlo (3) ang sa tingin namin ang Antas na Pamumuhay dito sa mundo at ganun rin dito sa Tundo. Una na dito ang mga Upper Class, ito ang mga pamilya na sadyang nakaupo sa magarang upuan na kahit na walang gawin ay nagkakaroon ng maraming salapi. Sila ang mga tao na makikita niyo sa nagmamahalan at naggagandahang mga koste’t subdibisyon. Tatlo o higit pa sa isang araw silang kumakain. Ang kanilang mga anak naman ay nasa mga eksklusibong Paaralan at nasusunod agad-agad ang mga luho nito. Ikalawa, ang Middle Class, ito ang mga pamilya na nasa gitna o may mga kaya sa buhay. Tulad rin sila ng mga nauna subalit ang kanilang mga gastusin at pagkain ay sapat lang para sa kanila na hindi tulad ng upper Class. Ikatlo, ang Lower Class, ito ang mga pamilyang matatagpuan sa mga kalye at iba’t ibang istruktura ditto sa Tundo, Maynila. Kilala ang mga ito sa tawag na… NPA o NO PERMANENT ADDRESS. Nakakaawa man silang pagmasadan ngunit sarili nila’y di nila kinaaawaan. Wala silang pakialam sa kung anu man ang sabihin ng ibang tao sa kanila. Tila manhid sa masasakit na sinsabi ng ibang mga tao. Masakit man isipin, subalit karamihan sa kanilang mga anak ay siyang kakikitaan mo ng mga droga at rugby. Sa kadahilanang walang sapat na trabaho at edukasyon upang magbanat ng sariling buto. Mga mumunting paslit na sadya naming kahahabagan mo kapag nakita mo sa mga kalye dito sa Tundo, Maynila.

Sa kabilang dako, marami na ang mga taong nagsasabi na ang mga kabataan sa panahon ngayon ay ibang iba na noon. Sapagakat ilan sa mga kabataan dito sa Tundo ay hayok sa mga ipinagbabawal na gamot at masamang gawain. Tulad ng Panghohold-up, Pananaksak, Panghahalay at Pag-inom ng mga alcohol na kadalasang matatanda ang nakikita at umiinom nito. Ngunit tila pabata ng pabata ang nahihilig dito.

Halika at makinig sa aming nabasang kwento. Ito’y kwento lang din sa amin n gaming kaibigan. Lunes ng umaga nagising siya sa malakas na pagsigaw ng naglalako ng taho. Sarap na sarap siyang pagmasdan ang unti-unting pagsikat ng araw. Kaagad niyang inayos ang banig na kanyang hinigaan at agad na naghilamos upang makakain ng almusal. Sa di kalayuan, sa kanilang bahay agad niyang tinungo ang tindahan ni ALing Besi. Hawak ang sampung piso na pangbili nga mainit na sopas. Sumobra ng apat na piso at maaaring pambili pa ng panghimagas. Napansin niya ang dalawang bata na sabay humuhigop ng mainit na sabaw ng sopas na galling sa iisang mangkok. Pagkatapos niyang mag-almusal binalak n asana niyang tumayo ngunit dahil sa isang bata na bumibili ng tinapay siya’y tila naparalisa. Tinanong ni Aling Besi kung anu ang palaman ng tinapay na gusto niya. Ang sagot naman ng bata ay “PEANUT BUTTER” ngunit kulang ang kanyang dalang pera. Nahabag siya sa bata at pabulong niyang sinabi kay Aling Besi na dadagdagan na lang niya ang pambayad ng bata. Pansin sa bata ang maliit na mga braso’t binti. Banaag ang saya sa mga mata ng munting anghel ng iabot sa kanya ang tinapay at naupo sa di kalayuan. Napansin niyang hinahabol ng tingin ng bata ang mga kaidaran niyang papasok na sa eskwelahan. Saglit na tumigil ang bata sa pagnguya at parang may luhang tutulo sa kanyang mga mata. Agad niya itong nilapitan at tinanong kung bakit sinusundan niya ng tingin ang mga nagdadaang mag-aaral. Bigkas ng kanyang mapupulang labi na hindi siya nag-aaral dahil sa kakapusan sa salapi. Pupungas-pungas at pailag na pinahiran ang mga luha. Dama niya ang lungkot na nararamdaman ng bata dahil katulad niya siya’y huminto rin sa kanyang pag-aaral. Nakalulungkot isiping hindi lang silang dalawa ang nakararanas ng ganitong sitwasyon. Nariyan ang kanyang mga kababata na tulad niya “out of school youth” eka nga. Sama-sama’t masasayang bumubuo ng “koryo” para sa sayaw na ipanlalaban nila sa kompetisyon bukas. Tuloy parin ang dalawa sa pagmamasid sa paligid. Mapapansin ang mga “street sweeper” na patuloy sa pag-iipon ng mga kalat sa lansangan. Katanghalian, pagkatapos kumain ng buo niyang mag-anak ng mongo na may sahog na hibi, tanaw sa di kalayuan ang kalapit nilang bahay na nagsisibak na uling pangdagdag sa pang araw-araw na gastusin. Siya’y nagulat sa mga pukpok ni Mang Pedring sa kanilang bubungan dahil sa naghahanda para sa nalalapit na unos. Niyaya siya ni Jenny manuod ng mga nag-eensayo ng sayaw “ati-atihan sa kalapit plasa. Nakita niya muli ang bata na naglalaro ng piko. Niyaya niya itong manood. Tuwang-tuwa itong sumama. Aliw na aliw silang pagmasdan ang mga makukulay nilang kostyum, ang mahaharot at sabay-sabay nilang pag-indayog sa tunog ng tambol. Nalibang sila sa panonood at di napansin ang oras. Unti-unti nang dumidilim ang paligid at niyaya na niyang umuwi si Jenny at ang bata. Habang pauwi mapapansin ang isang mama na may dala-dalang kapirasong papel. Hinabol siya ng isang Ale at wika’y ihabol ang kanyang napiling numero baka sakaling buwenasin at may ipanghahanda si Junior sa kaarawan nito. Pansin din ang mga taong galling sa trabaho na may bitbit na pasalubong. Andyan din ang mga walang kinabubuhay kundi ang ‘padyak”. Una-unahan sa mga pasahero upang makabuo ng pang bonderi. Pansin ang sigaw ng tsuper na patungong divisoria na iisa lang ang pasahero. Nadadaanan din nila .ang mga masasayang nagkukwentuhang mga lalaki na nagwagi sa paliga sa kanilang barangay. Habang binabaybay nila ang isang madilim na bahagi ng isang kalye, muntik na siyang madapa dahil hindi niya napansin ang malalim na uka ng daan. Pagdating sa bahay nakahanda na ang hapunan at sumasabay ang kanyang ina sa isang kalahok sa isang programa sa telebisyon. Pansin din sa mga kapit-bahay na iisa ang kanilang pinapanood. Sumapit na ang hinihintay nilang teleserye. Nabigla sila ng biglang patugtugin ang estiryo sa plasa dahil may selebrayson ng “debut” ang kanyang kababata na si Michelle. Inaanyayahan silang sumalo sa kaunting naihanda at tuloy sayawan. Nakaramdam na siya nang antok at nagpaalam kila Chairman at Tanod. Ginabayan siya ng mga tanod hanggang sa makapasok siya ng bahay. Habang papaidlip na siya, naisip niya sa kabila ng mga problemang kinakaharap nilang lahat, mapapansin na ang mga taga-Tundo ay naiiba pa rin.

Bagama’t karamihan sa ating mga taga-Tundo ay salat sa karangyaan hindi tayo sumusuko at tuloy pa rin sa paghahanap ng magandang kinabukasan. Nagagawang tumawa dahil kasama ang mga tunay na mga kaibigan, kayang humarap sa matinding pagsubok dahil iminulat tayo sa kahirapan. Parang “PEANUT BUTTER” minasa at hinalong mabuti para makuha ang tamang tamis at tamang kapal kapag ipinahid na sa tinapay. Gayun din tayo, minasa o pinanday sa hirap upang maabot ang magandang kinabukasan. Ditto sa Tundo, iba-iba ang pinagmulan, nakisama sa isa’t isa kaya nagging matamis ang samahan. Ito ang buhay ng mga taga-Tundo, salayt man sa materyal na bagay ngunit at puno ng pag-asa ang bawat isa.

Tila ang mga araw na lumipas ay mga dahong unti-unting nalalagas mula sa isang tangkay ng punongkahoy. Parang kailan lang nang nakatingala tayo sa langit at pilit inaabot an gating mga pangarap, mga pangarap na naging tanglaw at gabay natin upang tayo’y magsikap at makipagsapalaran para sa isang magandang kinabukasan. At ngayoyng araw ngang ito waring kisapmata nga lamang ang mga nagdaang panahon sapagkat ngayon at magwawakas na ang isang bahagi na ating buhay. Nakalulungkot man isipin ay lilisanin na natin ang Barangay na pumanday sa ating talino’t mga kakayahan – ang Digital Access. Hinubog tayo ng Digital Computer Learning Center upang tayo’y maging produktibo at progresibong indibidwal na siyang magiging haligi at pundasyon ng bansa sa pagpapatupad ng mga minimithi nitong pagbabago, sa ngayon at hinaharap.

Tayong mga kabataan sa ngayon ay kabilang sa kasalukuyang salinlahi ng kabataang Pilipino na umunlad na ang kaalaman, kakayahan at karanasan bunga ng umunlad at mabilis na nagbabagong kapaligiran. Sa panahong ito ng pag-unlad sa harap ng iba’t ibang mukha ng buhay, dapat nating mabatid na higit na ang pananagutang dapat nating gampanan bilang mahalagang bahagi nang lipunang kinabibilangan natin. Maaaring maging masalimuot ang mga suliraning ating kakaharapin sa pagsasakatuparan ng mga tungkulin sa tahanan, paaralan, pamayanan, bansa at daidig sa kabuuan. Ngunit mga kapwa naming kabataan, hindi tayo dapat panghinaan ng loob sapagkat naihanda na tayo sa lahat ng pagsubok. Paano? Nang hubugin ang ating isipan at damdamin sa iba’t ibang larangan... nang patatagin ang pananalig sa Panginoon upang ang Tundo ay maitanghal sa mataas na pedestal – masigla, makulay, maunlad at nagniningning dahil tayo ang hiyas niot at ang perlas na lilikha ng isang magandang anyo sa tunay na tunguhin ng isang dakilang bayan.

Ito ay hindi imposible dahil tayong mga kabataan ang tunay na sanhi at buhay nitong Tundo. Mulat na an gating mga isipan sa mga pangkasalukuyang kaganapan sa mga sunod-sunod na suliraning unti-unting kumakain sa atin, upang ang Tundo ay manlupaypay at malubog sa kumunoy ng karalitaan at kamangmangan. Sa gitna nito, taas-noo tayong lalakad at magpapahayag na kayang-kaya nating kabakahin ang mga dagok na dumating, dumarating at darating sa ating buhay sapagkat hawak-kamay tayo... sama-sama nating kakaharapan ang mga suliranin ng hindi sumusuko.

Iyan ang Kabataang Tundo, bukas ang isipan sa mga pagbabagong itinakda ng kaunlaran, dahil mulat na tayo.... nakikialam na tayo sa mga pagbabago...Hindi na tayo ang dating kabataang mahina ang loob at takot lumangoy sa maalong dagat ng pagbabago. Isa na tayong nagniningning na hiyas ng ating tahanan, paaralan at pamayanan. Ito an gating tugon sa kasabihang “A diamond is made through years of forging it into flames of Earth”.

Ganap na ngang tayo’y produktibong kabataan ng kasalukuyan. Kabalikat na tayo ng ating Barangay sa mga isinusulong nitong proyekto para sa pundasyon ng nagbibihis na lipunan. Ang mainit na malasakit natin sa ating kapwa ay isang instrumento upang lalong tumatag ang bungkos na nagbibigkis sa ating lahat upang tayo’y maging isa. Solido at di natitinag na kabataan. Samakatuwid ng Kabataang ManileƱo ay isang hiyas at kabiyak na puso ng Tundo sa pagtataguyod ng pamayanang Malaya at maunlad. Susuungin natin ang bukas dahil binusog na tayo ng kaalaman, natuklasan na natin ang mga kakayahan, matatag na ang ating mga bagwis at higit sa lahat, kaya na nating tumindig ng may matatag na puso.
Kayang-kaya na nating itampok ang imahen ng Tundo at ng buong bansa na di lamang sa kaakit-akit dahil sa panlabas na kinang nito. Kundi lalong kaibig-ibig dahil sa taglay nitong produktibong mga kabataan. Ito ang mga Kabataang tulad mo, tulad niya at tulad nating lahat. Ipagmalaki nting tayo’y mga Kabataang, Pag-asa ng Bayan"!!

To The One I really love!


Hindi ko yata kayang panindigan yung binitawan kong mga salita sayo! Dahil hanggang ngayon.. binabagabag pa rin ako nang aking konsensya! Kaya patawarin mo sana ko kung muli akong mangungulit sa makabuluhan mong buhay! Dahil parang di kumpleto ang mga araw ko kapag binabalikan ko ang mga pangyayari.. Hindi rin kita masisisi kung bakit mo nagawa sa akin yun! Alam ko may mabigat kang dahilan para gawin sa akin yun.. pero di katanggap-tangap kung anu man yung dahilan na yun! Marami sa aking mga kaibigan na "napakababaw na dahilan" raw ung pinagtalunan natin para magalit ka sa akin ng ganito! Ngayon.. gumawa ako ng blog para masabi ko lahat ng nais kong sabihin.. sapagkat di mo ko pinapahintulutan na maging parte na nang buhay mo sa napakababaw na dahilan! Pero kung hindi mo pa rin ako kayang patawarin! Matatanggap ko! Susubukan kong turuan ang aking puso't isip na kalimutan ka! Pero hindi yata madaling gawin yun.. sapagkat kailan man hindi pwedeng turuan ang puso upang makalimutan ang isang tao na tulad mo! Lalo na't nakita ko na ang lahat ng mga hinahanap ko sa isang lalaki na tulad mo! Pero nagkamali pala ako.. bakit? Sapagkat isa ka yatang mapagsamantalang nilalang dito sa mundong ibabaw.. balak mo pang gamitin ang labis na pagmamahal ko sayo upang maging isa sa mga kasangkapan mo! Pero hindi ako ganun katanga upang pagbigyan ang kahilingan mo! Kahit na may sapat na salapi akong dala ng mga oras na iyon! Sapagkat hindi naman ako nakasisiguro na ako lang ang paggagamitan mo.. Huhu.. Hindi ibig sabihin na gusto kitang sakalin sa leeg upang ako lang ang pagtuunan mo ng pansin! Gusto ko lang makasiguro na magiging mabuting tao ka para sa akin! Ngunit maling-mali pala ako sa mga inakala ko! Dahil dalawa ang taglay mong mukha! Huhu.. Hanggang dito na lang muna ang mga saloobin ko para sayo!

To; WINZON "TON-TON" CASTRO"

Emotionally!


If you have SAD, the more information and understanding about your condition you have the better you are able to deal with it.
We are all unique. We suffer various symptoms in different degrees. We respond differently to the range of treatments and self-help options on offer. We may prefer one method of dealing with our own particular circumstances over another.
So read everything you can get hold of about your condition and learn about the different ways you can cope with the winter blues. Here we offer a collection of articles written by various authors about SAD which we think you'll find informative.

I like this Graduation Qoutes!

Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness that most frightens us. We ask ourselves, Who am I to be brilliant, gorgeous, talented, fabulous? Actually, who are you not to be? You are a child of God. Your playing small does not serve the world. There is nothing enlightened about shrinking so that other people won't feel insecure around you. We are all meant to shine, as children do. We were born to make manifest the glory of God that is within us. It is not just in some of us; it is in everyone. And as we let our own light shine, we unconsciously give other people permission to do the same. As we are liberated from our own fear, our presence automatically liberates others.
~Marianne Williamson~

Lapit na Graduation namin sa Brgy. 72

"Sooner or later we all discover that the important moments in life are not the advertised ones, not the birthdays, the graduations, the weddings, not the great goals achieved. The real milestones are less prepossessing. They come to the door of memory unannounced, stray dogs that amble in, sniff around a bit and simply never leave. Our lives are measured by these."
~ by Susan B. Anthony ~

Wednesday, August 13, 2008

im aLonE..

Huhuhu..
kainis nmn this day!
until now di cuh pa rin alam kng panu mag post ng blogs sa Friendster!
yaw nmn acuh turuan ni donald!
Huhuhu..
wala raw siya time para iexplain yung mga steps para maipost sa Friendster!
Huhuhu..
kelangan daw nakaharap talaga sa computer para magawa..
mahirap raw kasi ipaliwanag pag wala ka sa computer!
Huhuhu..